"Ang kwento ng namamangka"
May isang lalake na apat na taon ng namamangka sa gitna ng daan.
Ilang pangungutya at ilang tawanan na ang naranasan nya.
Marami naring mga tao ang sumubok na sabihan sya na katangahan ang ginagawa nya.
Ngunit di sya nakinig an patuloy parin sa pagsagwan.
Pero isang araw may dumaan na isang babae.
Babae: Pare saan kaba papunta?
Lalaki: Ah ewan nakalimutan ko na eh,ang tagal ko na kasing namamangka dito.
Siguro apat na taon na. Kaya nakalimutan ko na.
Babae: Ah ganun ba. Pwede ba akong makisakay?
Lalaki: Sige tara!
Babae: Mahilig ka pala sa rock music.
Lalaki: Ah Oo.kapag napapagod nako magsagwan nakikinig nalang ako nyan para
kahit papano maalis ang pagod ko.
Babae: Pareho pala tayo. Uy, tignan mo sila oh pinagtatawanan tayo.
Lalaki: Ok lang yan, atleast napapasaya natin sila kahit papano.
Babae: Oo nga...hehehehe...
Ilang araw ang lumipas....
Merong mga araw na masaya.
Merong mga araw na hindi masaya.
Pero kahit ganun sinamahan parin nya ang lalaki.
Babae: Hindi mo ba naisipan na idaong muna ang bangka na to?
Lalaki: Ah bakit ko naman yun gagawin?
Babae: Para makapagpahinga kanaman.
Lalali: Sige.
Dumaong sila...
Pinakita ng babae kung gano kaganda ang lugar.
Kung gaano kasaya mabuhay sa mundo.
Pero isang araw nawala ulit ang lalaki.
Hinanap sya ng babae.
Halos dalawang buwan na syang naghahanap.
At nakita nya rin sa wakas ang lalaki.
Nasa bangka at patuloy parin ang pagsagwan sa gitna ng daan.
Nilapitan nya ito.
Babae: Bakit bigla mo nalang akong iniwan?
Lalaki: Kasi naalala ko na kung bakit ako namamangka.At dahil sayo kaya ko naalala.
Babae: Dahil sakin?Pano naman nangyari yun?
Lalaki: Kasi pinaramdam mo sakin kung pano maging masaya.
Pinaalala mo sakin kung anong pakiramdam maging malaya.
Pinaalala mo sakin kung pano maging importante.
Pinaramdam mo sakin na may silbi pa pala ako.
At sinamahan mo ako kahit alam mong nagmumukha na tayong tanga.
Babae: Eh yun naman pala.Bakit ka bumalik dito?Hindi kaba masaya doon kasama ako?
Lalaki: Masaya.Kaya lang hindi ko maiusad tong bangka.Kelangan ko munang maiusad ang bangka
bago ko tuluyang iwan to.
Babae: Pano ka naman uusad eh wala ka sa tubig!?Mali ang pinili mong daanan!
Lalaki: Alam ko.Dahil minsan na akong naging katulad mo.
Nakakita rin ako ng taong namamangka sa gitna ng daan.
Katulad mo sinamahan ko rin sya kahit nagmumukha na kaming tanga.
Idinaong ko rin sya sa lugar na napaka ganda.
Ipinaramdam ko rin sakanya na importante sya.
Narinig ko sakanya na sa piling ko ang pinaka ligtas na lugar na napuntahan nya.
Pero bumalik din sya sa pamamangka at katulad mo sinabi ko rin na mali ang dinadaanan nya
kaya kahit kelan di sya uusad.Kaya naman itinulak ko ang bangka nya papunta sa dagat.
Gusto kong sumama sakanya kaya lang takot ako kasi hindi ako marunong lumangoy.
Pano kung tumaob ang bangka.Natakot akong malunod.
Kaya hinayaan ko syang umalis ng mag-isa.
At eto ako ngayon naiwan.Pinipilit matutong mamangka sa gitna ng daan.
Naghihintay ng isang taong tutulungan akong itulak ang bangka papunta sa dagat.
Babae: Ganun ba.Tara.Tutulungan kitang itulak yan gano paman kalayo ang dagat.
Nakarating sila sa dalampasigan...
Babae: Andito na tayo.Ang lawak pala ng dagat nakakatakot naman pala talaga mamangka dyan.
Oh siguro magiging masaya kana.Mag-iingat ka ah.Sana magkita ulit kayo.
Lalaki: Pwede ba akong magtanong?Huling tanong na'to promise.
Babae: Sige.Ano ba yun?
Lalaki: Kwinento ko sayo buhay ko.Halos lahat ng tungkol sakin alam mo na pero ako
wala akong masyadong alam tungkol sayo maliban sa masaya ako pagkasama ka.
At sa piling mo ang pinaka ligtas na lugar na napuntahan ko.Ngayon ang tanong ko....
MARUNONG KABANG LUMANGOY????
No comments:
Post a Comment